Nagsimula na kahapon ang pagbabakuna sa mga military medical personnel sa lalawigan ng Sulu.
Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander 1st Lt. Jerrica Angela Manongdo, dumating sa Camp Teodulfo Bautista Station Hospital nitong March 14 ang mga bakuna at kahapon ay sinimulan ang vaccination.
Ang unang tinurukang military healthcare worker sa Sulu ay si Maj. Sayid C. Cedicol, isang doktor at Commanding Officer ng Camp Teodulfo Bautista Station Hospital.
Hinihikayat naman ni Dr. Cedicol ang lahat na magpabakuna para malabanan ang pagkahawa ng COVID-19.
Inaasahan namang mababakunahan simula ngayong araw ang 300 medical personnel at frontliner workers sa lalawigan.
Facebook Comments