Hinimok ni Senator Francis Pangilinan ang mga opisyal ng militar na magsalita at magpahayag ng suporta sa posibleng pagpapataw ng karampatang aksyon sa mga Chinese companies na sangkot sa militarization at reclamation activities sa West Philippine Sea.
Kasunod ito ng pahayag ni Foreign Secretary Teodoro Locsin Jr. na irerekomenda niya ang terminasyon ng local business deals sa mga negosyong may-ambag sa pagtatayo ng mga isla sa ating Exclusive Economic Zone (EEZ).
Ayon kay Pangilinan, suportado niya ang rekomendasyon ni Locsin dahil nagdudulot ng banta sa seguridad ng bansa ang mga kumpanyang pag-mamay ari ng gobyerno ng China.
Matatandaang una nang inilagay ng Estados Unidos sa blacklist ang 24 na Chinese companies at ilang indibidwal dahil sa pagtulong nila sa pagtatayo ng mga base militar sa pinag-aagawang teritoryo.