Patay ang labing dalawang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF at isa sa commander ng BIFF sa nagpapatuloy na focused military operation sa mga lugar sa Central Mindanao.
Ayon kay Lt. Col Gerry Besana ang tagapagsalita ng AFP Western Mindanao Command pang limang araw na ngayon ang focused military operation.
Sa pang limang araw na ito ay pinagbabaril ng nasa sampung miyembro ng BIFF ang mga sundalong kabilang sa 2nd Mechanized Battalion ng Philippine Army habang nagsasagawa ng zoning operation kaninang umaga sa Dapiawan Elementary School, Barangay Dapiawan, DSA, Maguindandao.
Kinilala ang nasawing Commander na si Commander Marrox Brigade Commander ng Karialan BIFF faction.
Si Marrox ay isang sa mga bomber at isa sa pangunahing suspek sa pagpatay sa SAF 44 sa Mamasapano Maguindanao.
Pinangunahan din nito ang pananambang sa tropa ng 40th Infantry Batallion isanng taon na ang nakakalipas.
Nangunguna rin si Marrox sa mga panggulo sa mga lugar ng Aguak-Pagatin (Datu Saudi), Mamasapano at Datu Salibo SPMS box.
Sa panig naman ng tropa ng pamahalaan 14 ang naitalang sugatan habang dalawa ang nasawing sundalo sa pang limang araw na focused military operation.