Marawi City – Patuloy na ipaparamdam ng militar ang kanilang presensya sa lungsod ng Marawi.
Ito tiniyak ni AFP Spokesperson Major General Restituto Padilla kahit may declaration ng termination ng combat operation sa Marawi City si Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Aniya bahagi ng military operation ay ang pagsasagawa ng clearing operation, Civil Military Operation at Engineering Activities.
Posible naman daw na may nakalusot na Maute ISIS fighters sa Marawi kaya mahalaga anya ang patuloy na military operation na kanilang gagawin.
Sa ngayon aniya posibleng may mga improvised explosive device at iba pang unexploded bomb ang naiwan sa pinaka-main battle area kaya mahalaga ang kanilang clearing operation.
Pag-uusapan naman ng militar at mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa Marawi kung kailan maaaring ibalik ang mga residente sa Marawi.