Military operations laban sa CPP-NPA-NDF, magpapatuloy ayon sa AFP

Hindi ititigil ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang operasyon laban sa CPP-NPA-NDF sa gitna ng anunsyo na peace negotiation.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., magpapatuloy ang paglaban ng tropa ng gobyerno sa mga armadong grupo alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Brawner na hindi nila papayagan na muling lumaki ang bilang ng CPP-NPA-NDF dahil lamang sa pagkakaroon ng peace negotiation.


Nauna nang sinabi ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año na hindi niya irerekomenda ang suspension of military operations o ceasefire sa CPP-NPA-NDF ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Facebook Comments