CAUAYAN CITY – Patuloy pa rin ang ginagawang paghahanap ng mga sundalo, police officers, at forest rangers sa isang nawawalang military plane.
Sakay ng military plane ang Malawi’s vice president, former first lady, at walong katao na pinaghihinalaan itong nag-crashed sa isang mabundok na bahagi ng nasabing bansa.
Ayon kay President Lazarus Chakwera, sinabihan na umano ang naturang eroplano na bumalik na lamang sa Lilongwe dahil masama ang lagay ng panahon ngunit sa kasamaang palad, ay nawalan ng contacts sa eroplano ang air traffic control.
Sa ngayon, umabot sa 600 personnel ang tumutulong sa search operation, katuwang ang 300 na police officers at Malawi Red Cross.
Facebook Comments