Military reservists, ikinokonsidera bilang augmentation force para sa healthcare workers – DOH

Ikinokonsidera ng pamahalaan na gamitin ang “military reservist” bilang augmentation ng health workers sakaling magdagdag ng kapasidad sa mga ospital na napupuno na.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ang napag-kasunduan sa naging pulong ng Inter-Agency task Force (IATF) at mga local government.

Nangako aniya si Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na pakikilusin ang mga “military reservist” para mabigyan ng augmentation ang human health resources sa mga ospital.


Maliban dito, nagkaroon na rin aniya ng allocation sa iba’t ibang ospital na makapg-hire pa ng karagdagang Capacity for Disaster Reduction Initiative (CADRI).

Habang tiniyak rin ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang pagbubukas ng karagdagang kama sa specific na ospital at modular hospitals sa April 8.

Sabi pa ni Vergeire, isa rin sa pinagtitibay ngayon para ma-decongest ang mga ospital ay ang referral na coordinated sa pamamagitan ng One Hospital Command.

Hiniling naman ng DOH sa Local Government Units (LGUs) na magsagawa ng “triaging” ng mga pasyente na bago pa man pumunta sa ospital ay na-assess na sa local government para hindi napupuno ang mga emergency rooms.

Facebook Comments