Militia ng Bayan, Isinuko ang sarili sa Kapulisan ng Cagayan

Cauayan City, Isabela- Boluntaryong sumuko sa pulisya ang isang Militia ng Bayan bandang 2:10 ng hapon kahapon sa Bayan ng Rizal, Cagayan.

Kinilala ang sumukong MB na si Felipe Bayaua alyas Ka Adjun/Ka Waden, 39-anyos, isang magsasaka at residente ng Brgy. Masi, Rizal, Cagayan.

Batay sa naging salaysay ni Ka Adjun, nahikayat ito ng komunistang grupo taong 2010 sa ilalim ng pamumuno ni Ferdinand Bautista alyas ‘SIMOY’.


Mula noon, sinuportahan na niya ang grupo na pinamumunuan ni Bautista hanggang sumailalim ito sa combat technique training na piangunahan ni Reymond Guzman alyas ‘BLADDY’ sa Sitio Daligan sa Barangay Masi.

Napabilang din siya sa teroristang grupo para sa kanilang ipinaglalaban sa loob at labas ng bayan hanggang sa nabatid nito na kabilang siya sa listahan ng mga MB Member at nagdesisyon ito na suportahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa insurhensiya.

Ang nasabing pagsuko ay sa kabila ng implementasyon ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa insurhensiya para wakasan ang teroristang aktibidad ng mga nag-aklas sa pamahalaan.

Facebook Comments