Milk demand sa bansa, tataas

Kailangan nang itaas ng local dairy farmers ang kanilang milk output dahil sa inaasahang mataas na demand sa gatas kasabay ng pagpapatupad ng national feeding program.

Ayon kay Philippine Carabao Center (PCC) Executive Director Arnel Del Barrio – mayroong ready market na ang mga milk farmers lalo at may inilaang pondo para sa feeding program.

Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11037 o Masustansyang Pagkain Para Sa Batang Pilipino Act, na layong tugunan ang undernutrition sa mga bata sa day-care centers, kindergarten at elementarya.


Itatatag ng batas ang milk feeding program kung saan ang kabilang sa components ng fortified meals at cycle menu para sa mga bata ang fresh milk.

Ang PCC, National Dairy Authority (NDA) at cooperative development authority ay magsasagawa ng ‘massive’ campaign sa lahat ng munisipalidad upang hikayatin ang mga milk farmers na dagdagan ang produksyon ng gatas.

Sa datos ng Philippines Statistics Authority (PSA), ang dairy output ng bansa mula Enero hanggang Hunyo ay tumaas sa 1.55% sa 12,410 metric tons.

Facebook Comments