MILK-PRODUCING COW SA LAOAC DAIRY FARM, PINAPAYABONG NANGMAY MAILAAN SA MGA MALNOURISHED NA BATA SA LALAWIGAN NG PANGASINAN

Kabilang sa adhikain ng ikalawang tanggapan ng lalawigan ng Pangasinan ay ang pagsasaalang-alang ng kapakanang pangkalusugan partikular ang mga malnourished na bata sa buong lalawigan lalo na sa mga bayan ng Distrito Dos sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga milk-producing cows na siyang pagyayamanin.
Alinsunod dito ang naganap na pagpupulong katuwang ang National Dairy Authority na hiling ang magagandang klase ng milk-producing cows para sa Laoac Dairy Farm.
Hindi lamang ito upang masustentuhan ang kalusugan ng mga malnourished na bata, gayundin ang layuning magkaroon ng sariling milk production o ang produksyon ng gatas na makatutulong sa dairy industry ng lalawigan.

Samantala, tiniyak ng ikalawang kongresista ng Pangasinan na magpapatuloy ang planong pagpapatayo at pag-unlad nito sa bayan ng Mangatarem. |ifmnews
Facebook Comments