Milwaukee Bucks at Phoenix Suns, tabla na sa Game 4 ng NBA Finals

Naitabla na sa 2-2 ang laban matapos talunin ng Milwaukee Bucks ang Phoenix Suns sa score na 109-103 sa Game 4 ng National Basketball Association (NBA) Finals.

Pinangunahan ni Khris Middleton ang Bucks ang laro na may 40 points kung saan 10 points dito ay na-score sa mga huling minuto ng 4th quarter.

All-around support din ang iniambag ni Giannis Antetokounmpo na may 26 points, 14 rebounds at eight assists.


May tsansa pang makabawi ang Suns sa Game 5 ng best-of-7 series sa darating na Sabado.

Facebook Comments