Milwaukee Bucks, itinanghal na bagong NBA Champions

86

Itinanghal na bagong NBA Champions ang Milwaukee Bucks matapos talunin ang Phoenix Suns sa game 6 ng NBA finals.

Sa score na 105 – 98, isinarado na ng Bucks ang serye kontra Suns sa pangunguna ng 50 points at 14 rebounds ng 2 time MVP na si Giannis Antetokounmpo.


Ito ang unang beses na nagkampeon ang koponan mula noong 1971 season kung saan pinangunahan naman ito ng dalawang Hall of Famers na sina Kareem Abdul Jabbar at Oscar Robertson.

Facebook Comments