Muling nanguna ang Milwaukee Bucks sa best-of-7 series kontra Atlanta Hawks sa score na 113-120 ng National Basketball Association (NBA) Eastern Conference Finals.
Nanguna si Khris Middleton na mayroong 38 points at 11 rebounds habang naka-score ng 33 points, 11 rebounds at four assists si Giannis Antetokounmpo kaya’t nasungkit ng Bucks ang panalo kontra Hawks.
Hindi naman naging hadlang ang ankle injury ni Trae Young upang makapag-ambag ng 35 points para sa Hawks.
May tsansang makabawi ang Hawks sa Bucks sa Game 4 na gaganapin sa Miyerkoles.
Facebook Comments