Muling nanguna ang Milwaukee Bucks matapos talunin ang Atlanta Hawks sa score na 123-112 sa Game 5 ng National Basketball Association (NBA) Eastern Conference Finals.
Bagama’t hindi man nakasali sa laro ang star player na si Giannis Antetokounmpo dahil sa injury sa kaliwang tuhod, pinangunahan naman ni Brook Lopez ang Bucks na may 33 points.
Hindi rin nakapaglaro ang star ng Hawks na si Trae Young dahil sa namamagang buto sa kanang paa.
Magtatapat muli ang Hawks at Bucks sa Game 6 ng best-of-7 series sa Linggo.
Facebook Comments