Milwaukee Bucks, nagtala ng NBA record matapos tambakan ang Miami Heat

Nakatikim nang pinakamalalang pagkatalo ang Miami Heat sa kasaysayan ng National Basketball Association (NBA) matapos tambakan ng Milwaukee Bucks sa score na 144-97.

Ito ay matapos maitala ng Bucks ang NBA record na may pinakamaraming three points na naipasok sa isang game, na umabot sa 29.

Minalas ang Heat dahil hindi nakapaglaro ang kanilang star player na si Jimmy Butler bunsod nang pilay sa kanang bukong-bukong.


Muling magtutuos ang dalawang koponan sa Huwebes na gagawin sa Miami.

Facebook Comments