Nakabawi ang Milwaukee Bucks matapos talunin ang Phoenix Suns sa score na 120-100 sa Game 3 ng finals ng National Basketball Association (NBA).
Sa pangunguna ni Giannis Antetokounmpo na may 41 points at 13 rebounds na sinundan nina Khris Middleton na may 15 first half points at point guard Jrue Holiday na kumunekta sa apat na sunod-sunod 3 pointers sa third quarter.
Bagama’t nahirapang maka-puntos ang top scorer ng Suns na si Devin Booker sa Game 3, ay may tsansa pa rin itong makabawi sa pagtatapat muli ang Bucks at Suns sa Huwebes sa Game 4 ng best-of-7 series ng NBA Finals.
Facebook Comments