Milwaukee Bucks, pinagmumulta ng NBA

Pinagmumulta ng NBA ang Milwaukee Bucks ng 50,000 dollars o 2.6 million pesos kaugnay ng contract extension ni reigning MVP Giannis Antetokounmpo.

Kaugnay ito ng komento ni Bucks General Manager Jon Horst na balak nilang alukin ng kontrata si Antetokounmpo nitong September 12.

Ayon sa ulat, hindi pinahihintulutan ang koponan na mag-alok ng supermax extension sa reigning NBA MVP na inaasahang magtatagal hanggang 2020.


Matatandaang nakuha ni Antetokounmpo MVP Award sa 2018-2019 kasunod ng average nitong 27.7 points.

Facebook Comments