Milwaukee Bucks wagi kontra Dallas Mavericks; 116-106

Nasungkit ng Milwaukee Bucks ang kanilang ika-limang sunod na panalo kontra Dallas Mavericks.

Tinalo ng Bucks ang Dallas sa score na 116-106 kung saan nanguna sa Milwaukee si Giannis Antetokounmpo na may 31-points at 15-rebounds.

Dahil dito, nangunguna pa din sa team standings sa Eastern Conference ang Bucks na may 34 na panalo at 12 na talo.


Tinambakan naman ng Washington Wizards ang Detroit Piston sa score na 101-87.

Facebook Comments