MILYON-MILYONG HALAGA NG PROYEKTO SA BAYAN NG ECHAGUE, PINASINAYAAN

CAUAYAN CITY- Magkakasunod na pinasinayaan ang mga natapos na proyekto na tutugon sa mga pangangailangan ng mga residente sa bayan ng Echague.

Kabilang sa mga ito ay ang P9.7 milyon halaga ng road project sa Barangay Santa Monica.

Gayundin ang inagurasyon sa P2.9 milyon halaga ng itinayong multi purpose building sa Barangay San Manuel.


Panghuli ay ang P1.9 milyon halaga ng kaparehong proyekto na itinayo naman sa Pangal Sur.

Ang mga nabanggit na proyekto ay ilan lamang sa naisakatuparan na sa bayan ng Echague dahil sa pagtutulungan ng alkalde nito na si Hon. Kiko Dy at ni Isabela 6th District Representative Congressman Faustino “Inno” Dy V.

Facebook Comments