Milyon-milyong pisong halaga ng mga LPG refilling equipment, nakumpiska ng CIDG

Nasabat ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP- CIDG) ang 19 na milyong pisong halaga ng kagamitan sa pag-refill ng LPG at mga tangke ng LPG sa ikinasang operasyon sa Brgy. 163 Sta. Quiteria, Caloocan City nitong Sabado ng madaling araw.

Ang operasyon ay inilunsad sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte sa Makati laban sa may-ari at operator ng Pyro LPG Refilling Station na sangkot umano sa ilegal na pagbebenta at distribusyon ng LPG products.

Nang isagawa ang operasyon, arestado ang 9 na empleyado ng kumpanya ngunit bigo ang mga awtoridad na maaresto ang may-ari.


Narekober sa operasyon ang 140 LPG cylinder tanks, 2 delivery truck, samu’t saring refilling equipment, P3,800 cash at mga resibo.

Kasunod nito, siniguro ng CIDG na puspusan nilang ipatutupad ang utos ni PNP Chief Police General Rommel Marbil na tugisin ang mga sangkot sa mga ilegal na business operation para mapangalagaan ang kaligtasan ng publiko.

Facebook Comments