MILYONARYO! | Higit ₱50-M jackpot prize ng grand lotto 6/55, nalambat na

May nakauwi na ng higit ₱50 million jackpot prize ng grand lotto 6/55.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), isang taga-Iloilo City ang maswerteng nakatumpak ng winning combinations na 34-09-28-24-19-42 sa ginanap na draw nitong Huwebes, September 27.

Tumataginting na ₱54,449,633 ang napanalunan ng tumaya.


Ang winning ticket ay itinaya sa isang lotto outlet sa Barotac, Nuevo, Iloilo.

Samantala, gaganapin na ngayong araw (September 28) ang draw para sa Ultra Lotto 6/58 na may higanteng jackpot prize na nasa higit ₱700 million.

Facebook Comments