Duda si House Committee on Dangerous Drugs Chairman Robert ‘Ace’ Barbers na may kinalaman sa narco-politics ang milyung-milyong halaga ng cocaine na natagpuan sa Dinagat Islands at Siargao.
Nababahala si Barbers na natagpuan ang iligal na droga sa gitna pa ng election period.
Sinabi ng kongresista na hindi na lingid sa kaalaman na may mga pulitiko mula sa Surigao ang sangkot sa illegal drug operations na posibleng gamitin sa papalapit na halalan.
Umapela ang mambabatas kina PNP Chief Oscar Albayalde at PDEA Director General Aaron Aquino na tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga nagtapon ng cocaine sa dagat, anong barko o bangka ang ginamit at sino ang tumanggap ng kargamento.
Mababatid na nasa 77 bricks o bloke ng cocaine na nagkakahalaga ng mahigit P500 Million ang nabingwit sa Dinagat Islands at inanod sa dalampasigan ng Siargao Island.