Milyong Halaga ng Marijuana Bricks, Nasabat sa 24-anyos na Suspek

16

Cauayan City, Isabela- Nasabat ng mga otoridad sa Top 10 drug personality ang milyong pisong halaga ng Marijuana Bricks sa ikinasang buy-bust operation sa Calagdao, Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Batay sa police report, isang 24-anyos na lalaki na residente ng Barangay Lacnog ang nadakip ng pinagsanib na pwersa ng RPDEU-RSOG/RID-PROCOR, Kalinga PPO, RIU-14 sa pakikipagtulungan ng PDEA Cordillera.


Nasamsam sa pag-iingat ng suspek ang sampung (10) bricks ng hinihinalang marijuana matapos nitong bentahan ng iligal na droga ang isang undercover agent na umaktong bilang poseur buyer.

Bukod rito, nakuha rin ang P1,000-peso genuine bill at P99,000 sa kabuuan na boodle money at ilang personal na gamit ng suspek.

Tumitimbang ng humigit kumulang 10 kilos ng Marijuana o katumbas ng P1.2 milyon ang halaga ng nasabing droga.

Samantala, patuloy naman na pinaghahanap ang isa pang kasamahan ng nahuling suspek matapos itong makatunog na pulis ang kanilang katransaksyon.



Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Facebook Comments