Milyong halaga ng mga pekeng cosmetic at gamot, nakumpiska ng FDA

Manila, Philippines – Umaabot na sa mahigit P4M ang mga pekeng gamot, cosmetics at medical devices ang nasabat ng Regulatory Enforcement Unit ng Food and Drug Administration.

Ayon kay FDA director general Nela Charade Puno, ito ay simula nuong August 2016 hanggang sa kalagitnaan ng August 2017.

Paliwanag pa nito kaya matagumpay ang kanilang kampanya kontra mga pekeng produkto ay dahil narin sa pakikipag tulungan nila sa Philippine National Police Task Force D-PUNCH na layuning sirain, wasakin ang mga pekeng produktong masama o hindi maganda sa kalusugan ng tao.


Nagkakaisa aniya ang adhikain ng FDA at PNP na tuldukan ang pamamayagpag ng mga pekeng produkto sa merkado.

Facebook Comments