MILYONG HALAGA NG SUPORTA SA AGRIKULTURA, IPINAMAHAGI SA MGA MAGSASAKA SA MANGALDAN

Tinanggap ng limang asosasyon ng mga magsasaka sa Mangaldan ang nasa higit 4.6 milyong pisong halaga ng mga makinarya at iba pang kagamitan sa pansaka mula sa Department of Agriculture.
Ilan sa ipinaabot sa limang asosasyon ay Four-wheel drive tractor na nagkakahalaga ng PHP 3.48 million, PHP 399, 600 halaga ng apat na unit ng pump, at engine set, multi-purpose cultivator, limang unit ng knapsack sprayer, maging punla ng iba-ibang klase ng gulay sa mga magsasaka mula sa Nibaliw, Guiguilonen, Macayug, Inlambo, Embarcadero, Pogo, at Palua.
Ikinalugod naman ng mga benepisyaryong asosasyon ang mga natanggap na kagamitang pangsaka dahil mapapagaan nito ang kanilang trabaho sa pabago- bagong panahon.
Positibo ang mga magsasaka na makakabawas sa gastusin at makakatulong sa produksyon ng ani ang mga naturang kagamitan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments