Milyong halaga ng vegetable and fruit processing facility, itatayo sa La Trinidad, Benguet ayon sa DA

Aprubado na ni Agriculture Secretary William Dar ang mungkahing pagtatayo ng ₱20 milyon Food Processing Facility para madagdagan ang Benguet Agri-Pinoy Trading Center sa La Trinidad, Benguet.

Naniniwala si Dar na malaki ang maitutulong ng pasilidad para maiwasan ang pagkalugi at pagkasira ng mga produktong gulay at prutas sa panahon ng Peak Season.

Binigyang halimbawa nito ang pagtapon ng mga kamatis ng mga magsasaka sa Tinoc, Ifugao dahil sa kawalan ng buyer at access sa mga pamilihan.


Dahil dito, pinahusay pa ng Department of Agriculture (DA) ang mga channel nito lalo na ang Kadiwa Express para makahanap ng mga buyer.

Hanggang Hunyo 14, 2020, abot na sa 11 na grupo ng mga bagong buyer ang na-ugnay ng DA sa Tinoc farmers at binili ang kanilang produkto, bukod dito ang iba pang grupo na nagkainteres ding bumili sa kanila ng farm products.

Paliwanag pa ng kalihim na ang Food Processing Center ay hindi lamang magsisilbi na processing hub, kundi magiging learning at training site din para sa mga magsasaka.

Facebook Comments