Milyong Pisong halaga ng Ari-arian,Natupok sa Public Market ng Baggao,Cagayan

Cauayan City, Isabela- Tinatayang aabot sa humigit kumulang P1-M ang halaga ng pinsala sa nangyaring sunog sa Public Market ng Baggao, Cagayan kagabi, June 10,2021.

Sa panayam ng iFM Cauayan kay FO3 Joey Jose, pasado alas-7:41 kagabi ng makatanggap sila ng tawag mula sa concern citizen dahil sa nagaganap na sunog na mabilis na kumalat dahil gawa sa light materials ang ilang parte ng palengke.

Ayon pa kay Jose, umabot sa ikatlong alarma ang sunog kung kaya’t humingi na sila tulong sa mga kalapit na bayan ng BFP Alcala, Amulung at Gattaran dahil problema ang ilang fire truck ng BFP Baggao na kinukumpuni dahil sa mechanical defect.


Lumabas sa inisyal na imbestigasyon, kalahati ng palengke ang nasunog na hinihinalang nagsimulang sumiklab sa isang stall sa loob ng palengke.

Pasado alas-9 kagabi ng makontrol ng mga otoridad ang sunog sa lugar na ayon sa kanila ay pangalawang beses ng nangyari ito sa palengke ng Tallang.

Sa ngayon ay inaalam pa kung ano talaga ang sanhi ng pagsiklab ng sunog.
📸Baggao Information Office

Facebook Comments