Milyong pisong halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat ng BOC

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Davao ang nasa 251 na kahon ng mga smuggled na sigarilyo.

Nagkakahalaga ang mga ito ng P9,861,000.00 kung saan sakay ito ng isang pekeng courier truck.

Naharang ang nasabing truck sa ikinasang checkpoint ng Task Force Toril habang papunta ng Davao City.


Agad na nakipag-ugnayan ang nasabing task force sa BOC-Port of Davao Enforcement and Security Service (ESS) saka inimbestigahan ang truck at ang mga sakay nito.

Kada isang kahon ay may laman na 50 reams ng sigarilyo kung saan ang mga ito ay nakatago sa likod ng mga blue crate upang maiwasang makita sa inspeksyon.

Ang naturang operasyon ay bilang bahagi ng hakbang ng BOC sa pamumuno ni Commissioner Bienvenido Rubio base na rin sa kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos na palakasin pa ang ginagaaan anti-smuggling efforts at panagutin ang mga gumagawa nito.

Facebook Comments