Milyong pisong sakop ng disallowance ng COA, pinababalik ni Pangulong Duterte kay Senator Gordon

Binantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Richard Gordon na kakasuhan ito kung hindi ibabalik ang milyon-milyong sakop ng disallowance ng Commission on Audit (COA).

Ito ay noong panahon ng Senador nang Chairman pa ito sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Ayon kay Pangulong Duterte, para ito sa halagang P140 million kasama na ang P86 million na kinuha ni Gordon.


Ang notice of disallowance ay hindi isang aprubadong transaksyon na lumabas sa audit ng COA na maituturing na malversation o pagdispalko ng pondo.

Nagsilbi si Gordon bilang Chairman ng SBMA mula 1992 hanggang 1998.

Facebook Comments