Milyu-milyong doses ng COVID-19 vaccines, darating sa bansa – Galvez

Inaasahang darating ngayong taon ang milyu-milyong doses ng COVID-19 vaccines.

Ang Pilipinas ay nakakuha na ng 30 million doses ng bakuna mula sa Serum Institute ng India, 25 million mula sa Sinovac ng China at 2.6 million mula sa British-Swedish drugmaker na AstraZeneca.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., tinatayang aabot sa 172 million doses ng COVID-19 vaccines ang mayroon ang Pilipinas para sa susunod na taon.


Bukod dito, may ilang COVID-19 vaccines ang darating sa Pilipinas ngayong taon, kabilag ang Sinovac kung saan 50,000 doses ay darating sa susunod na buwan, 950,000 doses ay darating sa Marso at karagdagang 2 million doses ay sa mga kasunod na buwan.

Pipirmahan naman ang kasunduan sa Astrazeneca para sa karagdagang 20 million doses na darating sa pagitan ng Hulyo at Setyembre.

Nasa 25 hanggang 40 million doses naman ang pwedeng makuna ng Pilipinas sa Pfizer-BioNTech.

Nasa final stages naman ng negosasyon ang Pilipinas at ang Janseen, ang kumpanya sa ilalim ng Johnson & Johnson.

Mayroon namang positive developments ang Pilipinas sa pakikipag-usap nito sa Moderna.

Umaasa si Galvez na makakakuha ang Pilipinas ng nasa 50 hanggang 100 million doses ng Sputnik V ng Russia.

Ang COVAX Facility naman ng World Health Organization ay magbibigay ng libreng bakuna para sa 22 milyong Pilipino.

Ang bakuna ay magmumula sa Pfizer, AstraZeneca, Novavax at Janssen.

Facebook Comments