Milyu-milyong halaga ng shabu, nasabat sa Clark

Hawak na ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA San Fernando ang milyon milyong shabu na nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark.

Ayon kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon, ang nakumpiskang dalawang kilong shabu na nagkakahalaga ng P12 milyon ay nakalagay sa apat na lata ng imported wafers na “Pepperidge Farm Pirouette” na mula sa Nevada, USA.

Aniya, idineklara ang shipments bilang candy at mga damit pangbata.


Giit ni Carreon, dahil sa pinahigpit na screening ng mga shipments kasunod ng naipuslit na magnetic lifters na may lamang shabu, minarkahan ang kontrabando para mainspeksyon.

Sa pamamagitan aniya ng x-ray examination, K9 at physical inspections, natuklasan ang mga iligal na droga na nakumpirmang shabu.

Isang suspek naman ang inaresto pero hindi pa binabanggit ang pagkakakilanlan.

Facebook Comments