Milyu-milyong residente sa Bangladesh – apektado ng pananalasa ng bagyong Mora

World – Mahigit sa kalahating milyong residente sa dalawang bayan sa Bangladesh ang inilikas bunsod ng pananalasa ng bagyong Mora.

Sa ngayon ay paralisado ang operasyon ng maraming establisyemento sa lugar kabilang na ang mga paliparan, pantalan at maging ng mga kalsada.

Ayon sa disaster management department ng Bangladesh – halos apat na libong relief centers ang kanilang inilagay.


Binuksan din ang mga paaralan gayundin ang iba pang mga gusali upang magsilbing evacuation center ng mga apektadong residente.
DZXL558

Facebook Comments