MILYUN-MILYONG HALAGA NG GUSALI, IPINAGKALOOB NG PRIBADONG KUMPANYA SA RUNRUNO

Cauayan City, Isabela- Nakatanggap ang Barangay Runruno ng mahigit P1.4 million na halagang Multi-Purpose Hall para sa Runruno Elementary School (RES) at mahigit P2.6 million naman para sa K-12 Workshop Building sa Runruno National High School (RNHS) mula sa FCF Minerals Corporation.

Ayon kay James Carmichael, FCF Minerals Corp. Country Manager, ang naturang imprastraktura ay natapos na noong huling quarter pa ng nakaraang taon at pinondohan ito sa ilalim ng Social Development and Management Program (SDMP) ng Runruno Gold-Molybdenum Project (RGMP) of the Company.

Aniya, ang Punong guro ng RES at RNHS ay nagpapasalamat at tiniyaknila ang kanilang responsibilidad sa pagpapanatili ng naturang proyekto para sa benepisyo ng kanilang mga mag-aaral.

Saksi naman sa pag turn-over ng imprastraktura sina Fr. Loubert Agduyeng, Parish Priest ng St. Francis of Assisi, Mayor Dolores Binwag, Barangay Captain John Babli-ing, Beth Tumaliuan at Engineer Demetrio Corsino mula sa Mines and Geosciences Bureau Region 02 at DepEd officials at mga miyembro ng SDMP Technical Working Group at Program Management Committee of the DMTG program.

Facebook Comments