Nagkasa ng operasyon ang Philippine National Police (PNP) sa Pasay City at sa Iloilo kamakalawa.
Dahil dito, narekober ng PNP mula sa apat na arestadong drug suspek ang kabuuang ₱22.6 milyon halaga ng shabu.
Ayon sa PNP, 1.8 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱12.4 milyon ang nakuha sa dalawang suspek na nahuli sa buy-bust operation sa Celeridad Street, Barangay 111 sa Pasay City.
Kinilala ang mga suspek na sina Salim Sabtari at Allan Gabas, na kapwa nakalista bilang high-value drug personalities sa drug watch list.
Habang iniulat naman ng Police Regional Office 6 (Western Visayas) na 1.5 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱10.2 milyon ang nakumpiska sa dalawang arestadong suspek sa operasyon Duran St., Brgy. Sto. Rosario, Iloilo City.
Ang mga arestadong suspek ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.