Ipinagkaloob na sa pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang halagang P2,360,000.00 mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa pangunguna ni PAGCOR Vice President for Corporate Social Responsibility (CSR) Group Ramon Stephen Villaflor na ginanap sa Malate, Manila noong Huwebes.
Ang nabanggit na halaga ay hiniling mismo ni Isabela Governor Rodito T. Albano III na agad namang inaprubahan ng PAGCOR Board of Directors.
Ito ay para sa pagbili ng oxygen concentrators with nebulizer na ibibigay sa mga pampublikong ospital sa Isabela.
Tinatayang nasa 20 na oxygen concentrators with nebulizer ang bibilhin ng pamahalaang panlalawigan.
Kabilang sa mga ospital na bibigyan ng tig-apat na naturang kagamitan ang Gov. Faustino N. Dy Sr. Memorial Hospital sa Siyudad ng Ilagan; Milagros Albano District Hospital sa Cabagan, Isabela at Echague District Hospital.
Tig-tatlo naman ang ipapasakamay sa Cauayan District Hospital at Roxas District Hospital habang tig-isa sa San Mariano Community Hospital at Palanan Station Hospital.
Facebook Comments