Minahan na Oceana Gold, Hindi dapat magpatuloy sa Operasyon-Gov. Padilla

Cauayan City, Isabela- Nanindigan si Governor Carlos Padilla ng Nueva Vizcaya sa usapin ng napasong Financial Technical Assistance Agreement (FTAA) ng minahan sa probinsya na Oceana Gold Philippines Inc. (OGPI).

Ayon kay Padilla, kapansin-pansin aniya ang tila nagpapatuloy pa rin sa operasyon ang minahan sa kabila ng wala ng bisa ang kanilang renewal dahil sa natapos na ang 25-taon nitong kasunduan ng mga nagdaang administrasyon sa lalawigan.

Ipinunto pa ni Padilla na posibleng kasalanan din ng DENR ang hindi pagbabalik sa pormal na operasyon ang itinuturing na isa sa malaking minahan sa bansa.


Batay naman sa ipinalabas na pahayag ng opisyal, pinuna rin nito ang pamunuan ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) dahil sa umano’y pagtatanggol at pagprotekta sa kumpanya ng minahan.

Sa kabila nito, sa patuloy aniya na pagsusumikap ng kumpanya na maibalik muli ang kanilang operasyon sa loob ng 25-taon ay isa sa mga plano ang pagpapalawig sa minahan na posibleng makaapekto sa ‘Malabing Valley’ na kalapit ng binansagang ‘Citrus Capital’ ng rehiyon dos.

Nangangamba rin ang gobernador na posibleng maapekatuhan ang ipinagmamalaking Capisaan caves.

Sa kabila nito, hinihinkayat ni Padilla ang lahat ng tutol sa operasyon ng minahan na palakasin ang kanilang hanay para tutulan ang pagbabalik operasyon ng kumpanya.

Facebook Comments