MINALIIT | Kilos Protesta ng grupong Piston kahapon, walang epekto sa mga commuter sa Manila

Manila, Philippines – Minaliit lamang ni MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo ang nangyaring malawakang kilos protesta ng grupong piston sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Margarejo walang epekto sa mga pasahero ang kilos protesta ng Piston kahapon dahil hindi nagamit ng MPD ang kanilang libreng sakay na bus na naka standby lamang sa Headquarters ng MPD upang aagapay sana sa mga maii-stranded na mga pasahero.

Paliwanag ni Margarejo handa ang MPD sa anumang oras sakaling naparalisa ang mga sasakyang bumabiyahe sa Manila pero hindi umano ito nangyari dahil maraming mga pampasaherong jeep na bumabiyahe sa Manila.


Una rito inihayag ng LTFRB naas of 8:40 am kahapon ay tinatayang 1,510 na mga pasehero ang naalalayan ng ahensya matapos na magpakalat sila ng mga bus na libreng sakay sa Metro Manila.

Facebook Comments