Manila, Philippines – Minaliit ng Malacañang ang banta ng Estados Unidos na papatawan ng parusa ang Pilipinas kapag itinuloy ang pagbili ng mga armas sa blacklisted na kumpanyang rosoboronexport na pag-aari ng gobyerno ng Russia.
Giit ni Presidential Spokesman Harry Roque, Bilang isang international law professor ay hindi niya maintindihan kung may hurisdiksyon ang Amerika na pakialaman ang Pilipinas na mayroong sariling soberenya.
Matatandaang Agosto ng lagdaan ni U.S President Donald Trump ang batas na magpapataw ng sanctions sa anumang kaalyadong mga bansa na may transaksyon sa defense at intelligence sector ng Russia.
Gayunman, hindi naman matukoy ni Roque kung itutuloy pa ng Pilipinas ang pagbili ng armas sa Russia.
Sa ngayon aniya ay inaaral pa ng pamahalaan ang naturang proyekto.