MINALIIT | Pagbabago sa polisiyang pang ekonomiya, iginiit ng IBON

Manila, Philippines – Minaliit ng economic think Tank na IBON ang hindi paggalaw ng inflation rate sa buwan ng Oktubre.

Ayon kay Sonny Africa, mataas pa rin ang 6.7 percent at kung susuriin mabilis ang galaw ng presyo ng bilihin sa labintatlo sa labing anim na rehiyon sa bansa.

Idinagdag ni Africa na kapag hindi nagbago ng polisiya ng administrasyong Duterte, tiyak na magpapabagal ito sa pag- unlad ng ekonomiya.


Kailangan na aniya ng decisive measures para tugunan ang inflation.

Kabilang aniya dito ang pagsupindi sa buwis na ipinapataw sa oil products sa ilalim ng TRAIN law.

Dapat na rin na magpatupad na ng price control sa pagkain at iba pang basic commodities.

Facebook Comments