Manila, Philippines – Minaliit lamang ni Solicitor General Jose Calida ang kasong graft and corruption na isinampa sa Office of the Ombudsman ng negosyanteng si Jocelyn Marie Acosta-Nisperos.
Ito ay kaugnay ng sinasabing conflict of interest dahil nakakuha ng P150M na kontrata sa anim na ahensya ng gobyerno ang Vigilant Investigative and Security Agency Incorporated na pag-aari ng kanyang pamilya.
Naniniwala si Calida na ang pagsasampa sa kanya ng kaso ay bilang paghihiganti matapos niyang maipanalo ang quo warranto case laban sa dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Nakasaad sa reklamo ni Nisperos na guilty si Calida sa malversation dahil bahagi daw ng pondo ng Office of the Solicitor General ay nailipat sa sinasabing karelasyon ni Calida, pero wala namang isinumiteng ebidensya.