MINALTRATONG OFW, BALIK DAGUPAN NA

Lubos ang kaligayahan ni Mary Ann Delos Santos, 39, may asawa at may dalawang anak, mula Sitio Korea, Barangay Bonuan Binloc dahil natapos na sa wakas ang bangungot na sinapit niya sa amo niyang nagmaltrato sa kanya.
Nagtungo kanina si Mrs. Delos Santos kay Mayor Belen T. Fernandez dahil aniya, isa si mayor sa mga agarang tumulong sa akin upang mapauwi ako sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.
Nagtrabaho bilang Domestic Helper si Mrs. Delos Santos sa loob ng limang taon.

Subalit masaklap ang sinapit niya dahil ilang beses siyang nakaranas ng pananakit ng kanyang amo, maliban pa ang atrasadong pagpapasahod sa kanya.
Humingi ng tulong ang pamilya niya kay Mayor Belen at agad namang umaksyon ang alkalde upang makauwi na ito sa Pilipinas.
Nakauwi na si Delos Santos sa Dagupan noong October 18, 2022. |ifmnews
Facebook Comments