Manila, Philippines – Kinuwestyon ng kampo ni Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno ang tila pagmamadali umano na desisyunan ang quo warranto petition laban sa punong mahistrado.
Ito ay matapos sabihin ni SC Acting Chief Justice Antonio Carpio na posibleng sa Mayo ay mailabas na desisyon sa quo warranto petition.
Ayon kay Atty. Josa Deinla, hindi nila maiwasang magtanong kung bakit ito minamadali.
Aniya, naka-recess ang SC at sa Hunyo pa magre-resume ang Korte Suprema.
Giit ni Deinla, mahalagang kaso ang quo warranto na kapag napagbigyan ay pwedeng maapektuhan ang sistema ng hudikatura.
Facebook Comments