Manila, Philippines – Minamadali na ng Department of Agriculture ang kanilang validation kaugnay sa pagbibigay ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda na nawalan ng hanap buhay dahil sa bagyong Urduja.
Sa interview ng RMN, sinabi ni Agriculture Sec. Manny Pinol na aabot sa 25,000 pesos ang inisyal na ayudang kanilang ibibigay upang makapagsimula ang mga ito.
Batay sa datus ng DA, pumalo ng 350 million pesos ang pinsalang iniwan ni Urduja sa sektor ng agrikultura kung saan ang probinsya ng Biliran ang malubhang tinamaan.
Bagamat malaking ang sinira ni Urduja sa mga pananim na palay, tiniyak ng kalihim na hindi naman ito makakaapekto sa suplay ng bigas sa susunod na taon.
Sa ngayon ay mayroong 19.4 million metric tons na buffer stock ng bigas ang D.A.