MINAMADALI NA | Pagbalangkas sa mga panuntunan para sa ride sharing app na Angkas, minamadali na

Manila, Philippines – Minamadali na ang pagbalangkas ng panuntunan kaugnay sa pagpapatupad ng inilabas na kautusan ng Korte Suprema.

Ito ay makaraang baliktarin ng High Tribunal ang naunang desisyon ng Mandaluyong City Regional Trial Court na nagbibigay pahintulot sa operasyon ng Ride Sharing App na Angkas

Kapwa aminado sila Land Transportation Office Law Enforcement Division Director Francis Almora at Highway Patrol Group Director CSupt. Roberto Fajardo na nagkaroon nga ng kalituhan nang magsagawa ng operasyon ang iba’t ibang traffic enforcement unit kung saan, inilagay bilang violation ang salitang “Angkas”


Ito ang dahilan kaya’t kinakailangang mag-usap usap ang iba’t ibang ahensya tulad ng LTO, HPG, MMDA sa pangunguna ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board na siyang lead agency sa pagkakasa ng mga operasyon

Ayon kay Almora, kailangang maging coordinated o iisa lang ang kumpas ng bawat ahensya na manghuhuli sa mga iligal na pumapasadang motorsiklo at kung ano ang ipapataw na parusa rito

Sa panig naman ni Fajardo, kailangang malinaw ang kahulugan ng salitang ANGKAS, kung ito’y ginagamit na pampasada dahil sa pangkaraniwan itong ginagawa ng mga gumagamit ng motorsiklo para ihatid ang kanilang mga ka-anak o mahal sa buhay

Pero, hati sila Almora at Fajardo sa parusang nais nilang ipataw kung ito’y paglabag sa Joint Administrative Order ng DoTr na may multang Labing dalawang Libong piso o simpleng Kolorum na may parusang Anim na Libo at Limandaang Piso.

Facebook Comments