Manila, Philippines – Nanawagan si Senate President Koko Pimentel sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pabilisin ang pagpasok ng iba pang Transport Network Vehicle Services (TNVS) para umalalay sa mga commuters.
Ito ay matapos i-anunsyo ng LTFRB na mayroong mga interesadong TNVS na makipagkompitensya sa Grab.
Ayon kay Pimentel, magandang balita ang tatlong bagong ride-sharing companies na gustong pumasok sa bansa.
Hindi aniya makakaila na magdudulot lang ng pangamba sa ilang TNVS users ang pagkuha ng Grab sa Uber na magpapakita lamang ng pagmomonopolya sa industriya ng transport network.
Suhestyon pa ni Pimentel na i-monitor ng LTFRB ang presyo at performance ng Grab kapag nawala na ang Uber sa pamamagitan ng social media.
Nabatid na magtatagal na lamang hanggang sa Linggo (April 8) ang operasyon ng Uber sa Pilipinas matapos kunin ng Grab ang kanilang South East Asia operations.