MINAMANDOHAN | Drug testing, dapat mandatory – ayon sa Dangerous Drugs Board

Manila, Philippines – Ngayong natapos na ang paghaharap ng kandidatura para sa 2019 elections, minamanduhan ng Dangerous Drugs Board ang mga tumatakbo sa mga lokal na posisyon na magpasailalim sa mandatory drug testing bago sila pormal na manungkulan.

Ayon kay DDB Chairman Secretary Catalino Cuy, mahigpit nilang ipatutupad ang DDB regulation no. 13, series of 2018 na nagtatakda ng pinalakas na anti-drug efforts sa lahat ng sangay ng gobyerno.

Aniya, alinsunod na rin ito sa kautusan ni Pangulong Duterte na mahigpit na magparusa sa mga public employee kasama na ang elective local officials at appointive public officers na mapapatunayang sangkot sa illegal drugs.


Sinabi ni cuy na bilang mga civil servants, dapat maging huwaran ang mga hahawak ng posisyon sa mga lokal na pamahalaan pagdating sa healthy living at drug-free lifestyle.

hindi aniya maaasahan na mabura ang problema ng droga sa isang lugar kung mismong mga mamumuno ay nasa impluwensya ng illegal drugs.

Una nang ipinatupad ang naturang regulasyon sa mga departamento, ahensya ng gobyerno gayundin sa mga sa mga constitutional bodies, government-owned and controlled corporations, state and local universities at mga colleges.

Facebook Comments