Lumagda sa isang kasunduan ang mga organic rice farmers sa Mindanao at isang U.S. buying group para sa pagbebenta ng organic rice.
Ayon sa Mindanao Development Authority (MinDA), ang delegasyon ng Papua New Guinea na pinangunahan ni Central Province Governor Robert Agrobe ay dumating na sa bansa para inspeksyunin ang produksyon ng premium rice.
Nasa 5,000 toneladang bigas ang inaasahang ipapadala sa PNG bago matapos ang taon.
Sinabi ni US group head Andrew Bolougne sa mga magsasaka – mag-produce lang ng maraming bigas at ima-market nila ito.
Ang grupo rin nila ang nagpa-facilitate sa export ng niyog sa US market.
Mataas din aniya ang demand sa ‘black rice’ dahil sa benepisyong nakukuha nito kumpara sa puting bigas.
Layunin nilang makatulong na magkaroon ng magandang kita ang mga magsasaka.
Ang kasunduan ay para sa marketing ng unlimited volume ng white, brown, red at black rice.
Magtatayo ng MinDA ng database para sa organic rice farmers sa Mindanao.