Tiniyak ng pamunuan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na hindi naapektuhan ng serye ng mga pagyanig sa Surigao del Norte ang Mindanao grid.
Kasunod ito ng naitalang magnitude 5.2 na lindol sa bahagi ng Burgos, lalawigan ng Surigao Del Norte nitong alas-10:59 ngayong umaga.
Naganap ang episentro ng lindol sa layong 97 kilometers silangan ng Burgos kung saan may lalim itong 17 kilometers at tectonic ang pinagmulan nito.
Batay sa inilabas ng ulat ng NGCP sa kanilang facebook page, nananatiling normal at buo ang power transmission ng Mindanao Grid.
Habang wala rin aniyang ulat na magkakaroon ng pagkawala ng suplay ng kuryente sa Surigao del Norte at sa kalapit na lugar na nakaramdam din ng pagyanig.
Facebook Comments