Mindanao hour’, nakatakdang ilunsad ng Malakanyang ngayong araw

Manila, Philippines – Ilulunsad ng Malakanyang ngayong araw ang tinatawag na ‘Mindanao Hour’.

Ito’y kasunod ng deklarasyon ng martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao sa loob ng 60 araw simula noong Mayo 23 dahil sa pag-atake ng Maute Group sa Marawi City.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella – itinakda ang Mindanao hour tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes, sa ganap na alas-11:00 ng umaga.


Ang iba naman aniyang karagdagang updates ay aasahan din sa kanyang mga press briefing tuwing Martes at Huwebes.

Sinabi ni Abella – na layon ng programa na magbigay ng update sa publiko tungkol sa nagpapatuloy na karahasan sa marawi at sa iba pang bahagi ng Mindanao.

Samantala, pwede ring makahingi ng pinakahuling balita tuwing weekends sa nabanggit na oras katuwang si AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla Jr.

Facebook Comments