Mindanao irrigators, nakilahok na rin sa national food production drive ng pamahalaan

Suportado ng mga grupo na nag-o-operate ng national and communal irrigation systems sa south-central Mindanao ang pambansang kampanya pataasin ang produksyon ng sektor ng agrikultura para sa food security.

Kasunod ito ng pakikipag-usap ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., sa mga miyembro ng grupo sa isinagawang Regional Irrigators’ Associations Congress sa Koronadal City, South Cotabato.

Hinimok ni Laurel ang mga irrigators na maging kaagapay ng pamahalaan para sa pagpapalago ng produksyon ng palay at iba pang produktong agrikultural.


Ang pagpapababa ng presyo ng bigas sa halagang mas abot-kaya sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga proyektong pang-irigasyon sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Kabilang sa mga dumalo sa Irrigator’s Congress ay sina NIA Administrator Eddie Guilen, mga local government officials at mga lider ng mga irrigators groups sa South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Saranggani at General Santos City.

Nakibahagi rin sa conference ang mga irrigator mula Maguindanao del Sur at del Norte sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Kabilang sa mga napag-usapan ay mga best practices at innovative solutions sa sektor ng agrikultura at ang pagpapalawak ng irrigation coverage at sa pagmimintina ng nakatayong irrigation infrastructure.

Facebook Comments